Journal 10.05.2017

Minsan gusto ko na lang makiuso sa mga burgis – “Yeah, yeah, you poor, know your place, it’s under me or under the grave” – pero pag naaalala ko yung mga panahon na halos wala akong makain at naliligiran pa ako ng mga Christ-centered classmates ko na may star-shaped pang chicken nuggets, nahihiya ako sa sarili ko. Madaling maging mahirap kung pare-pareho kayo, pero ang kalikasan ng lipunan ay ikaw lang ang maghihirap para sa ikaliligaya at haraya ng iilan. My somewhat privileged life is supported by the backs of anonymous poor people; the least I could do is to stop adding insult to their existence. Wala na nga akong magawa para matigil ang pagpatay sa mga maralita na “nanlalaban,” hahamakin ko pa sila?

Advertisements

Author: sjlm 閔俊榮

ESL supervisor | UPM Social Science | Asian history, culture, and languages | League of Legends | atheist | ISTJ | gay, happy, and proud!